diffirent between rich and poor
Ano nga ba ang dahilan kung bakit lahat nang tao ay gustong yumaman? Let’s state some reasons why most people wants to be famous and rich.
Kung mayaman ka, meron kang "allergy", kung mahirap ka ang tawag diyan ay "galis."
Sa mahirap "sira ang ulo", sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa tension.
Sa mayamang malikot ang kamay ang tawag ay "kleptomaniac", sa mahirap
ang tawag dito ay "magnanakaw."
Pag mayaman ka, you're "eccentric", kung mahirap ka, may "toyo ka sa ulo."
Kung mahirap ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom", kung mayaman ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine."
Kung mahirap ka, ikaw ay "kuba", pero kung mayaman ka, meron kang "scoliosis."
Kung isa kang katulong na maitim, ikaw ay "ita", "negrita", o "baluga", pero
ang señorita mo kahit kasingkulay mo, ang tawag ay "morena" o "kayumanggi."
Kung nasa high society ka, you are approvingly called "slender" or "balingkinitan", kung mahirap ka lang ang tawag sa'yo "payatot" o "patpatin."
Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay maliit ang tawag sa iyo ay "petite", pero kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak", "bansot", o "unano."
Malandi ka kung isa kang "dukhang alembong", pero kung mayaman kayo, ang tawag sa'yo ay "liberated."
Ang mahirap na tumatanda ay "gumugurang", sa mayamang tumatanda, siya ay "aging gracefully."
Ang anak ng mayaman ay "slow learner", habang ang anak ng mahirap ay "bobo."
0 comments:
Post a Comment