tanong at sagot
Tanong: Bakit ang aso itinataas ang paa sa gilid ng bakod kapag umiihi?
Sagot: Kasi baka matumba ang bakod, tinutukuran niya lang para safe siya.
Tanong: Bakit ang manok tumitingala kapag umiinom ng tubig?
Sagot: Nagdadasal sila. Sinasabi nilang "Diyos ko kailan ba ako iihi?"
Tanong: Anong isda ang lalaki pa sa dagat?
Sagot: Siyempre yung maliit na isda.
Tanong: Bakit binubuksan ang bintana sa umaga?
Sagot: Kasi nakasara.
Tanong: Ano ang hindi kinakain sa balot maliban sa balat?
Sagot: Sabaw kasi iniinom yon.
Tanong: Anong tinapay ang hindi kinakain ang gitna?
Sagot: Donut kasi butas ang gitna nito.
Tanong: Ilan ang dwarf ni Cinderella?
Sagot: Tanga! Si Snowhite kaya ang may dwarf.
Tanong: Paano malalaman kung may tanga sa sabungan?
Sagot: Kapag may nagdala ng bibe.
Tanong: Paano malalaman kung may tanga sa sabungan?
Sagot: Kapag may pumusta sa bibe.
Tanong: Paano malalaman kung may sindikato sa sabungan?
Sagot: Kapag nanalo ang bibe.
0 comments:
Post a Comment