Photobucket

July 15, 2008

inday joke

ATE: pabili ng pilis.
TINDERA: ano po?
A: pilis po!
T: ha? Dilis?
A: pilis po.
T: ano? Philip?
A: pilis nga! Yung nudols.

============ ==

sa sabungan, walang entrance fee ang may dalang panabong. Si Juan para makalibre pumasok may dalang inahin.
BANTAY: [sinita si Juan] ano yan?
JUAN: [galit pa!] manok!
BANTAY: alam ko, eh bakit inahin?
JUAN: may laban ang mister niya, siyempre moral support bobo!

============ ==

sa loob ng mall....
GUY: love, yan ang dati kong girlfriend.
JOWA: ang pangit pangit naman!
GUY: wala akong magagawa, yan talaga ang weakness ko ever since.

============ ==

GF: magaling! At sino tong baby na nagtext sayo?
BF: ah eh kumpare ko yun! Lalake yun! Baby lang palayaw.
GF: oh eto replyan mo. Hindi daw kayo tuloy at may mens daw ang tarantado!

============ ==

INA: anak, tawagan mo nga tatay mo sa celfon. Pauwiin mo dito.
[pagkatapos tawagan.]
ANAK: nay, babae po ang sumagot.
INA: lintik, sinasabi ko na nga ba, may tinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?
ANAK: 'you only have zero pesos in your account...' hindi ko na tinapos nay mukhang matapobre.

============ ==

nagbubungkal ng lupa si Erap para magtanim. Akala ng nakakita niloloko lang siya dahil wala naman siyang tinatanim.
BANTAY: sir, wala naman kayong tinatanim ah.
ERAP: bobo! Seedless to!

============ ==

ANAK: nay, ano po ba yung 10 commandments?
NANAY: yun yung sampung utos ng Diyos.
ANAK: mas makapangyarihan pa po pala kayo sa Diyos eh!
NANAY: bakit?
ANAK: ang dami niyong utos eh!

============ ==

thought to ponder:
hindi kaya ang dahilan ng pagbaha sa panahon ni Noah ay pinutol niya lahat ng puno para gumawa ng napaka laking arko? ano sa tingi mo?

============ ==

HISTORY 101:
JUDAS: anong gimik yang hinuhugasan ni Magda ang paa ni Bossing?
PETER: wag kang makialam, darating ang araw at tatawagin yang FOOT SPA.

============ ==

PEDRO: niloko ko yung tindera kanina.
JUAN: paano mo naman niloko yung tindera?
PEDRO: nagpaload ako eh wala naman akong celfon.

============ ==

paramihan ng anak.
HAPONESA: pumasok, bitbit 10 anak.
(palakpakan)
AMERIKANA: pumasok, bitbit 20 anak.
(palakpakan)
PINAY: pumasok, sigawan ang audience! "GO NAY!!"

============ ===

may nakakita sakin sa dalampasigan. malungkot at nagiisa. sabi niya, 'kung mahal mo siya, bakit di mo ipadama?' sumagot ako, 'mahal ka diyan?!!! naiwan ako sa outing tanga.'

============ ===

kung totoo ang ' Darwin 's theory of evolution' na ang tao ay nagmula sa unggoy, bakit may mga taong mukhang kabayo?

============ ===

DORAY: mare, kulang pa kami ng isang miyembro. baka gusto mong sumali sa paluwagan.
PINANG : hindi pa ako pwede, mare.
DORAY: bakit mare?
PINAY: virgin pa kasi ako.

============ ====

ERAP SA PIZZA HUT
WAITER: sir, do you want me to cut your pizza into 4 slices or 8 slices?
ERAP: into four na lang, masyadong marami yung eight. di ko mauubos.

0 comments: