Photobucket

July 15, 2008

sari sari patawa

Junior: Mommy! Dali! May tao sa kuwarto ni Yaya! Nakapatong sa kanya!
Mommy: Ha? Sino?!
Junior: (tumawa) Joke lang! Si Daddy lang ‘yun… kinabahan kayo, ‘no?! Akala n’yo, stranger?!
***
Junior: Daddy, bakit umuungol si mommy kagabi? May sakit ba siya?
Daddy: Wala, anak! Masaya lang siya!
Junior: Ibig mong sabihin, Daddy, gabi-gabi siyang masaya kahit nu’ng nasa Saudi ka?
***
Junior: Daddy, kapatid ko po ba si Ninong?
Daddy: Hindi, anak. Kumpare ko ‘yon. Bakit mo naitanong?
Junior: Kasi po, nakita ko si Ninong, dumede kay Mommy, eh…
***
Mommy: Bobo ka talaga! 1 to 10 lang, hindi mo pa kayang bilangin?!
Junior: Mas bobo si Daddy, Mommy! Narinig ko minsan, sabi niya, ‘Tama na, Inday… hanggang tatlo lang ang kaya ko!’
***
Sa dalampasigan…
Junior: Mommy! Mommy! Gusto ko pong lumangoy sa medyo malayo!
Mommy: Hindi pwede, anak. Huwag kang lalayo sa tabi ko. Hindi ka pa masyadong marunong lumangoy. Baka malunod ka.
Junior: Pero bakit si daddy, hindi rin masyadong marunong malangoy pero nasa malayo?
Mommy: Hayaan mo ang daddy mo roon. Insured naman siya, eh!
***
Isang gabi…
Anak: Tatay, hindi ako makatulog! Maraming lamok!
Tatay: Patayin natin ‘yung ilaw para hindi nila tayo makita.
Pagkapatay sa ilaw, pumasok ang mga alitaptap…
Anak: Hala, Tatay! Nagdala sila ng flashlight!
***
Mister: Hon, alam mo, ako ang pinakamatapang sa kulungan.
Misis: Bakit naman?
Mister: Nagpa-tattoo ako sa bird ko, eh!
Misis: Kung ‘yung pina-tattoo mo eh pinatuli mo ‘yan, mas bibilib pa ‘ko!
.
***
Magsusuntukan ang isang bulag at isang duling…
Bulag: Tarantado kang duling ka! Lumabas ka riyan at lumaban ka!
Duling: Gago! Dalawa kayo eh ba’t ako lalabas?!

0 comments: